ABISONG PANGKALUSUGAN – KASO NG INFLUENZA TYPE B IMPEKSIYON SA HONG KONG

April 28, 2011 — Leave a comment

HK-PCG-PR-20-2011



ABISONG PANGKALUSUGAN

 

KASO NG INFLUENZA TYPE B IMPEKSIYON SA HONG KONG

 

 

Nag aabiso ang Centre for Health Protection (CHP) ng Kagawaran ng Kalusugan ng Hong Kong sa publiko ukol sa isang nakumpirmang kaso ng malubhang Influenza B na nakaapekto sa isang 11-taong gulang na batang lalaki.

Ang bata ay nakaranas ng pag-ubo, sipon at lagnat simula 5 Abril at pagkabalisa at convulsion noong 14 Abril.  Siya ay kasalukuyang nasa Pediatric Intensive Care Unit ng United Christian Hospital dala ng encephalitis.

Ang nasophryngeal aspirate specimen na nakuha sa bata noong 14 Abril ay nakumpirmang positibo sa influenza B, at siya ay nasa kritikal na kondisyon.

Sa kasalukuyan, walang naiulat na kaso ng respiratory illness sa paaralan kung saan nag-aaral ang bata, kahit sa kanilang tahanan ay wala din  naiulat na may sintomas ng trankaso.

Ang publiko ay pinapayuhan na panatilihin ang malinis na pangangatawan at kapaligiran upang makaiwas sa sakit sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang maayos na diyeta, regular na ehersisyo, sapat na pahinga, pagbabawas ng stress at pag-iwas sa paninigarilyo.

Para sa detalye upang maiwasan ang influenza, bumisita sa Web site ng CHP (www.chp.gov.hk)

No Comments

Be the first to start the conversation!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s