Mark and Ynna, malapit na ba mag-‘I do’?

December 10, 2010 — Leave a comment

Hindi naiwasan nina Mark Herras at Ynna Asistio ang tanong na ito sa kanilang live chat: May balak na nga ba silang magpakasal? Text by Karen de Castro. Photos by Mitch Mauricio.

stars

Mark Herras and Ynna Asistio did not fail na magpakilig last Wednesday sa kanilang iGMA Live Chat. Kitang-kita ang sweetness ng dalawa as they answered the questions of chatters from all over the world. At siyempre pa, hindi na-disappoint ang mga fans sa kanilang pakikipag-chat sa dalawa, dahil wala naman silang piniling hindi sagutin.

Unang-una na ang mga naghahanap sa magiging susunod na tambalan ng dalawa onscreen aside from Puso ng Pasko. Magaganap nga ba ang onscreen reunion na ito ng real-life couple?

“Hindi pa kasi puwedeng sabihin, pero meron, meron kaming upcoming project ni Ynna, kaya abangan niyo yun,” sagot ni Mark.

Tinanong naman si Mark kung anong mga traits ni Ynna ang kanyang pinaka nagustuhan. “Sobrang bait and understanding,” he revealed.

Meanwhile, tinanong naman si Ynna kung paano niyang hina-handle ang mga issues with Mark, lalo na kung tungkol sa mga girls. “Siguro mas maganda kasi, malawak ang utak mo, lalo na kapag ganito yung boyfriend mo,” pagbibiro ni Ynna. “Maganda kasi kung okay yung communication niyong dalawa. Basta ang maganda, hayaan mo siya mag-explain, kasi kapag na-explain niya, maiintindihan mo kung bakit.”

stars

Siyempre, nag-share sila ng kanilang Christmas plans. Magse-celebrate nga ba sila together?

“Oo naman!” sagot ni Mark. “Every year naman e.”

Dagdag paliwanag naman ni Ynna, “This Christmas, fourth Christmas na namin together, every year masaya kasi mas marami kami!”

Dahil nga kitang-kita ng mga fans na going strong sila, hindi nila naiwasang matanong kung sa tingin nila ay nakita na nila ang “The One”. Ano nga ba ang nasabi ng dalawa tungkol dito?

“Basta ako, masaya ako ngayon at ‘yun ‘yung importante at walang problema,” sagot ni Mark.

Sagot naman ni Ynna, “Alam mo kasi kapag may ka-relasyon ka masasabi mo talaga ‘yan… pero for me hopefully yes sana siya na. Kasi in fairness naman iba ang pakiramdam and matagal na kami.”

May plano na ba silang magpakasal?

Natawa lang ang dalawa at nagtinginan sa isa’t-isa, after which sinabi ni Mark, “Bata pa.”

“Tama!” said Ynna, na nagpahiwatig na wala pang balak magpakasal ang dalawa.

To find out kung anu-ano pa ang kanilang mga ibinunyag noong kanilang live chat, abangan ang kanilang chat transcript in the coming days exclusively here on iGMA.tv!

Pag-usapan sina Ynna and Mark sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here!

Advertisements

No Comments

Be the first to start the conversation!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s