PRESS RELEASE – Two strains of drug resistant bacteria identified

November 28, 2010 — Leave a comment

Ang Filipino community sa Hong Kong ay pinapayuhan na maglaan ng karagdagang pag-iingat upang maiwasan ang kakaibang antibitiotic-resistant bacteria na muling natagpuan sa Hong Kong.

Sa kauna-unahang pagkakataon, nalaman ng Microbiology Laboratory ng Public Health Laboratory Services Branch (PHLSB) ang dalawang uri ng Klebsiella pneumoniae na pumapaloob nagbibigay ng hudyat sa KPC carbapenemase.

Ang kaparehong carbapenem-resistant bacteria na tulad ng mga nagkakanlong sa IMP gene ay natagpuan na noonsa Hong Kong.

Ang tagapag-salita ng Center for Health Protection (CHP) ng Department of Health ay nagsabi na ang malawak na gene na kontra sa grupo carbapenem antibiotic ay ginagamit na  pangalawang kinatawanan.

Ang pagkakatuklas sa magkahiwalay na dalawang pasyente sa mga pampublikong pagamutan ay isinangguni sa PHLSB.

Ang pasyente sa Queen Mary Hospital ay isang 66-taong gulang na lalake na nagpakonsulta na sa Tsina noong Oktubre 2010. Ang kanyang ispesimen na kinuha sa puwit ay positibo na  mga kauring KPC Klebsiella pneumoniae. Siya ay nagnegatibo sa impekyon ngunit nagtataglay ng grupo ng mga ganitong uri.  Ang pasyente ay nasaTung Wah Hospital at nasa matatag na kundisyon.  Bilang pag-iingat, siya ay inihiwalay sa karamihan ng mga pasyente.

Ang isa pang pasyente ay isang 24-taong gulang na lalake at tinanggap sa United Christian Hospital. Ang kanyang ihi ay nagtataglay ng organismo, at ito ay nakuha sa isang masusing pagsusuri dahil sa sakit ng tiyan.  Ang resulta sa laboratoryo ay nagsasabi na walang siyang impeksiyon sa daanan ng ihi.  Ang mga sintomas ay bumaba dahil sa konserbatibong pangangalaga na hindi ginagamitan ng antibiotics.  Ang mga organismo na nakita sa pasyente ay sensitibo sa antibiotic na gentamicin.

Sinabi rin ng tagapagsalita na ang mga organismo na napapaloob sa KPC ay napabalita na sa iba’t-ibang parte ng mundo lalo na sa Estados Unidos ganun na rin sa mga bansa sa Europa at Tsina.  Ang pagsulpot-sulpot ng ganitong mga kaso ay inaasahan sa Hong Kong dahil sa globalization.  Ang CHP ay naglagay ng isang sistema na magbabantay sa antinbiotic-resistant bacteria. Ang dalawang kaso ay magkahiwalay at walang relasyon sa isa’t-isa.

Ang walang tuos na paggamit ng antibiotics ay nagpapalala upang hindi tablan ng antibiotics ang isang pasyente, ayon sa tagapagsalita.

Dahil sa madalas na paggamit ng mga Pilipino ng mga antibiotics, mas mataas ang pagkakataon na mahawa ang mga Pilipino ng bacteria na ito.

Ang publiko ay pinapayuhan na huwag gumamit ng antibiotic na walang payo ng isang propesyonal na manggagamot .  Kung ito ay may payo ng manggagamot , ito ay kailangan ayon sa preskripsiyon at dosage na ibinigay.

Ang mga mamamayan ay dapat maging malinis kasama na ang palagiang paghuhugas ng kamay gamit ang sabon.  Sila ay dapat umiwas na maghiraman ng di nalalabhang tuwalya, damit, uniporme at pang-ahit. Ang sugat ay dapat laging linisin at takpan.

Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin lamang ang Web site ng CHP  sa http://www..chp.gov.hk o tumawag sa ATN section ng Konsulado sa telephono bilang 28238506 at 2823-8512 o sa Hotline bilang 9155-4023.

23 November 2010

 

No Comments

Be the first to start the conversation!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s