Paolo’s simple joy

November 23, 2010 — Leave a comment
Paolo Contis

Paolo Contis

Matagal-tagal din na hindi napanood sa isang drama series si Paolo Contis. Now he’s back as another kontrabida for Little Star. But aside from the joy he gets from acting, Paolo also talks about the simple joy of being a father. Text by Ayessa De La Pena. Photo by Mitch S. Mauricio.

Masaya si Paolo Contis sa kanyang pagbabalik sa drama through the afternoon soapLittle Star. Marami siyang gustong ikuwento tungkol sa kanyang bagong project, pero he was more excited to talk about her baby girl Xonia.

“My baby is doing great,” masayang kuwento ni Paolo, “She’s very healthy, mage-eight months na siya, so masaya [ako]. Nagiging mas kamukha ko na raw, pero hindi ko alam. Hindi ako marunong tumingin ng kamukha, e.”

Ayon pa sa aktor, masaya siyang panoorin ang paglaki ng kanyang baby girl dahil everyday ay may mga bago siyang nalalaman tungkol dito. “Everyday, iba-iba iyong ginagawa niya. Minsan magugulat ka na lang…iyong bilis ng transition niya mula walang magawa, biglang iikot, hanggang sa gumagapang. Ngayon nakatayo na pero kailangan may alalay pa,” he notes.

Dagdag pa ni Paolo, “It’s very fast and hindi ako nagsasawa na pare-pareho iyong ginagawa niya araw-araw. I love looking at her! She’s very playful—a very, very happy baby kaya ang sarap alagaan.”

Ano naman kaya ang traits niya na nakikita niya sa kanyang little girl?

“Maldita iyong anak ko, e, parang ako,” natatawang pahayag ni Paolo, “Ayaw magpahawak, pero sobrang sweet niya sa akin. Medyo daddy’s girl siya at saka magkamukha kami ‘pag nakasimangot, ‘pag salubong kilay.”

Sa Little Star ay isang kontrabida ang papel ni Paolo, ngunit ayon sa kanya hindi naman siya natatakot dahil sigurado siyang ang pagiging kontrabida niya sa isang mag-ina ay hanggang sa set lang.

“I will make sure naman na hindi ko gagawin sa anak ko iyon. At saka iyong mga hindi ko kayang gawin sa anak ko, gagawin ko na lang doon sa hindi ko anak,” pabirong sagot ni Paolo. But he is quick to add, “It’s a role that I do. I never take a role personally. I never bring it home.”

Sa pagtatapos ng interview, Paolo made it clear na inspired siyang magtrabaho dahil na rin sa kanyang baby. “Kung meron mang use iyong baby ko [sa akin], I know when I go home I have this little girl na reality check ko na I’m working for her.”

Panoorin si Paolo Contis as he plays the role of Lester sa Little Star tuwing hapon pagkatapos ng Ang Yaman ni Lola sa GMA Haponalo

Pag-usapan ang bagong project ni Paolo sa mas pinagandang iGMA Forum! Not yet a member? Register here.

Advertisements

No Comments

Be the first to start the conversation!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s